kaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ñg papaderan na ang pinto’y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kayá ñga’t iginalang ng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang sagot ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg lalaki. Ang tao, ñg mga Esparta ay hindí inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ñg lupang Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw ñg hukbo ng kaaway.
Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan
€24.99
Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda’y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa akin, kahit maiklí man










Be the first to review “Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan”